ANG
MASARAP NA MIRYENDA NA BIBINGKA INYO LANG MALALASAP
Nais ko muna kayong batiin
ng magandang umaga ang aking pagkain ngayon ay ang masarap na pang miryenda na
mainit na bibingka na kinahihiligang ng maraming Pilipino dahil sa di
matatawarang sarap talaga ng gawa ng mga Pilipino. Ang bibingka ay maaari ring lagyan ng kesong puti at itlog na
maalat habang niluluto. Kinakain ito kasama ang kinudkod na niyog, mantekilya,
at asukal; at malimit tuwing almusal o meryenda. Kapag panahon ng Kapaskuhan,
karaniwang ibinebenta ito, kasama ng salabat, sa labas ng mga simbahan para sa
mga galing ng simbang gabi.Talagang di matatawaran ang sarap ng bibingka
sa masarap na taglay nito ito din ay gustong gusto din ng mga bata tuwing
umuuwi si nanay ay may dala itong masarap,mainit na bibingka at maging sa
nakagawian na natin na pagsapit ng buwan ng disyembre ay ang simbang gabi at
pagkatapos ng misa ay bibili nito sa harap ng simbahan. Kaya lubos akong
nagagalak na kahit hindi disyembre ay mayroong pa ring mga tindera ng bibingka
.
:p>






